NAKALABAS na sa teritoryo ng bansa ang bagyong Crising na ilang araw ring nanalasa sa Mindanao, ayon sa PAGASA.
Gayunman, makararanas pa rin ng pulo-pulong pag-ulan ang Mindanao kahit nakaalis na ang bagyo.
Sa report sa radyo, sinabi ng PAGASA, na ang mga nararanasang pag-ulan sa Luzon na nagsimula pa kagabi ay dala ng Hanging Amihan.
Ayon sa PAGASA, ang malawak na kaulapan ang siyang nagpapaulan sa Luzon.
Kaugnay ng mga pag-ulan, itinaas ng PAGASA ang Gale Warning sa Northern Luzon, eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon at eastern seaboards ng Visayas.