PATAY ang pito katao habang mahigit 30 iba pa ang sugatan makaraang magbanggaan ang isang tourist bus at 14-wheeler truck sa Marcos Highway, Tuba, Benguet, Huwebes ng gabi.
Dead on the spot sina Diana Lauro, Marvin Platino, Tito Boyet, tour guide; Princess Pastorpite, estudyante; Leopoldo Lana, bus driver; at isang nakilala lang bilang Mariel na teacher.
Hindi naman umabot nang buhay sa Baguio General Hospital ang isa pang biktima na hindi nakuha ang pangalan.
Sa inisyal na ulat, pababa ng Baguio ang bus na sakay ang mahigit 40 estudyante ng Marinduque State College nang bumangga sa paakyat na trak.
Umikot pa ang trak sa lakas ng banggaan.