NAKAHANDA si Senador JV Ejercito na ibalik ang kanyang natanggap na P10 million mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) sa oras na ipag-utos ng Korte Suprema.
Ayon kay Ejercito, ginamit niya ang naturang pondo noong siya’y kongresista pa sa mga proyekto sa ilalim ng National Dairy Authority at Technology and Livelihood Resource Center.
Inilaan ang pondo sa pamamahagi ng gatas at dairy products para sa mga bata sa San Juan City.
Aminado naman si Ejercito na wala silang magagawa kung ipag-utos ng SC na ibalik ang DAP fund.
Iginiit naman ng senador na ang ehekutibo ang dapat magpaliwanag sa issue ng DAP dahil ito ang lumikha ng pondo nang walang approval ng kongreso.
The post JV Ejercito, ibabalik ang pondong natanggap sa DAP appeared first on Remate.