POSIBLENG magkaroon ng pagtaas sa generation charge ngayong buwan ayon sa Meralco.
Bunsod ito ng pag-shutdown ng ilang power plant sa Luzon na nag-udyok sa Meralco na bumili ng mas mahal na kuryente sa spot market.
Ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), hindi pa nakapagsusumite ang naturang power distributor ng computation ng eksaktong rate increase.
Sa kabila nito, nilinaw ng ERC na magiging minimal lamang ang dagdag sa generation charge dahil magpapatupad ng secondary price cap ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Matatandaan noong isang buwan ay naging manipis ang supply ng kuryente sa Luzon Grid matapos bumagsak sa critical level ang san Lorenzo at Ilijan Powerplants sa Batangas.
The post Pagtaas sa generation charge, nakaamba ngayong buwan appeared first on Remate.