HINDI na pwedeng baliktarin pa ang pagdedeklarang unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ito ang ipinahayag ng kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal kasunod ng plano ng Malakanyang na mag file ng motion for reconsideration (MR) sa desisyon ng SC.
Napag-alaman na binigyan pa ng 15-araw ang Palasyo na makapagsampa ng apela sa pinalabas na desisyon ng Korte Suprema noong Hunyo 4.
Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Macalintal na mas nakakabuti na huwag ng magsampa pa ng MR ang Palasyo dahil lalong mapapahiya ang Palasyo kung ide-deny ito ng Korte Suprema.
Maliban dito, magiging inconsistent ang position ng Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang ipinalabas na pahayag na aakuin nito ang responsibilidad sa DAP kung maghahain pa ng MR ang Malakanyang.
Sa kabilang dako, kahit aminado na walang basehan ang pag-file ng impeachment case sa Pangulo ay pinuna naman nito mga congressmen na nagpahayag haharangan ang anomang impeachment case.
Ayon kay Macalintal, bilang mambabatas ay nagsisilbi silang judge sa impeachment kaya dapat na maging fair ang mga ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng anomang reklamo na ihahain at tingnan kung may sufficiency inform and insubstance ang reklamo.
The post Desisyon ng SC sa DAP ‘di na mababawi pa appeared first on Remate.