PURSIGIDO ang kampo ni Senador Bong Revilla na gawing testigo sina Pangulong Aquino at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kasong kinahaharap nito sa Sandiganbayan.
Ito ang nakasaad sa pre-trial briefing na isinumite ng mga abogado ni Revilla sa korte na hiniling nito na ipatawag sa pagdinig ang dalawa.
Bukod sa Pangulo at kay Ginang Arroyo, nais paharapin sa pagdinig ng kampo ng senador sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales, DILG Sec. Mar Roxas, Budget Secretary Butch Abad at CoA Chair Grace Pulido-Tan.
Hiniling din ng kampo ni Revilla na gawin ding testigo sa kasong plunder at graft ang Pangulo ng senado, mga miyembro ng Special Panel of Investigators ng Ombudsman, mga miyembro ng field investigation maging ang NBI na siyang tumututok sa mga kaso hinggil sa pork barrel scam.
The post PNoy, CGMA, gagawing testigo ni Sen. Revilla appeared first on Remate.