Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Accreditation ng NGOs, lusot na sa House panel

$
0
0

LUSOT na sa House Committee on People’s Participation ang panukalang batas para sa accreditation ng lahat ng non-governmental organization (NGO) at people’s organizations na pwedeng tumanggap ng salapi mula sa gobyerno.

Layunin nito na tumibay pa ang sistema para sa accountability at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan para hindi na maulit ang pamamayagpag ng mga Napoles NGOs na naging instrumento ng pork barrel scam.

Ang House Bill 4688 o NGO Accreditation for Government Fund Releases Act ay substitute bill ng panukala ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Sa ilalim nito, magkakaroon ng isang ahensya na mangangasiwa sa pagbibigay ng accreditation sa mga grupo na nagnanais magpatupad ng proyektong gamit ang pondo ng gobyerno.

Dadaan sa mabusising proseso ng validation ang mga NGOs at POs para mapatunayan ang pagiging lehitimo ng mga ito pati na ang kanilang kapasidad.

Ang lahat ng detalye ng transaksyon ng mga ito sa mga ahensya ng gobyerno ay kailangang ilathala sa agency website at obligado rin ang mga organisasyong ito na mag-liquidate.

Kung mabibigo ang NGOs na gawin ito ay makakansela ang kanilang accreditation bukod pa sa pwede silang maharap sa kasong sibil o kriminal.

The post Accreditation ng NGOs, lusot na sa House panel appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>