MAGHAHAIN ng motion for reconsideration ang kampo ng sexy actress na si Katrina Halili sa Professional Regulation Commission (PRC) kaugnay sa pagbalik sa lisensya ni Hayden Kho bilang doktor.
Ayon sa legal counsel ni Halili na si Atty. Raymund Palad, hindi pa tapos ang dalawang taon na waiting period bago makapag-file si Hayden ng Petition to Reinstate License.
Hindi raw tama na madaliin ng PRC Board of Medicine ang desisyon kaya kanilang itatama ang anila’y legal anomaly.
Una ng nilinaw ng PRC na dumaan sa due process ang desisyon nila pabor kay Hayden.
Ayon kay Dr. Miguel Noche, Jr., pinuno ng PRC Board of Medicine, sumailalim sa deliberasyon ang petition for reinstatement ni Kho at sa huli’y wala na silang nakitang dahilan para palawigin pa ang revocation sa doctor’s license nito.
Paliwanag pa ni Noche, pinaboran nila ang hiling ni Kho matapos magpahayag ng pagsisisi sa kanyang unethical conduct at patunayang qualified pa rin siyang maging doktor muli.
Nag-ugat ang pagbawi ng PRC sa lisensya ni Kho noong 2010 matapos ang pagsasampa ng kaso ni Katrina Halili nang kumalat ang kanilang sex video.
The post Katrina Halili maghahain ng motion for recon sa PRC appeared first on Remate.