NAALERTO ang mga doktor nang tumaas ang blood pressure ni Senator Juan Ponce Enrile kagabi kaya hindi natuloy ang pagsailalim sa kanya sa 2D Echo o Two Dimensional Echocardiogram na sisilipin ang puso nito.
Nabatid na pumalo sa 200/90 ang blood pressure ng 90-anyos na senador bandang alas-6:00 ng gabi kahapon na naka-schedule sa medical procedure, batay na rin sa rekomendasyon ng Cardiologist ng PNP General Hospital.
Pinayuhan na lamang ng mga doktor si Enrile na magpahinga na lamang dahil sa pagtaas ng presyon nito.
Agad kinansela ng PNP Hospital ang 2D echo ni Enrile kahapon ng umaga para hindi ito makaabala pa sa ilang mga pasyente sa naturang ospital.
Sa ngayon, wala pang schedule kung kailan isasailalim sa 2D echo si Enrile.
The post BP ni JPE tumaas, ’2D Echo’ hindi natuloy appeared first on Remate.