ISA ang naitalang patay sa pananalasa ng typhoon Neoguri sa bansang Japan.
Ayon sa report, namatay ang lalaki makaraang hagupitin ng malakas na alon ang sinasakyan nitong bangka habang sugatan ang mga kasamahan nito.
Aabot naman sa kalahating milyong residente ang lumikas at daan-daang mga flights ang nakansela.
Batay sa tala ng Japan Metreological Agency, bagama’t humina na ang bagyong Neoguri, matindi pa rin ang hagupit nito sa bahagi ng Okinawa.
Patuloy na nakaaapekto sa Luzon at Western Visayas ang Southwest monsoon.
Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan.
The post 1 patay sa bagyong Neoguri sa Japan appeared first on Remate.