NAKATAKDANG kasuhan anomang araw ngayong linggo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga sangkot sa nangyaring hazing na ikinamatay ng estudyanteng si Guillo Cesar Servando ng College of St. Benilde noong Hunyo 28.
Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, wala silang sasantuhin sa sinoman ang masagasaan sa kanilang imbestigasyon.
Aniya pa, unti-unti na ring nalulutas ang kaso habang nagsisilitawan na ang ilang mga estudyanteng miyembro ng Tau Gamma Phi.
Maging ang caretaker ng bahay sa Calatagan St., Brgy. Palanan, Makati na unang lumutang ay natukoy din na kabilang sa mga nanakit sa biktima.
Ito’y batay naman sa ilang mga testigo na hawak ngayon ng NBI.
The post Sangkot sa hazing, kakasuhan na appeared first on Remate.