SUMUKO kagabi kay Justice Secretary Leila de Lima ang isang suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Guillo Cesar Servando ng De La Salle-College of St. Benilde.
Bagaman kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Virgilio Mendez na sumuko ang isa sa suspek ay hindi pa ito pinapangalanan.
May mga ilang larawan naman ng mga suspek at sangkot sa initiation rites ang inilabas ng NBI.
Isa rito ay si Cody Errol Moralez, pinuno ng frat na nanguna umano sa initiation rites.
Hawak din ng NBI ang larawan ni Esmerson Calupas alyas Emeng na master initiator umano na siyang nagdidikta ng takbo ng initiation rites at kadalasang unang pumapalo sa mga nais sumali.
Isa pa ay si Daniel Pual Martin Bautista, na sinasabing sumunod sa One Archer’s Place matapos mabalitaang nawalan ng malay si Servando.
At isang Trex Pablico o nagpakilalang Trex Garcia sa logbook ng condominium unit. Kasama rin si Kurl Michael Almazan at si Carl Francis Loresco na sumaglit lang umano sa condo at hindi naman umano sumali sa initiation.
Ibinunyag din ng isang testigo na ang caretaker na lumutang noong unang araw ng imbestigasyon ng NBI ay kasali rin sa initiation rites kung saan siya umano ang ang nagpapainom ng ammonia, tubig, nagpapakain ng sili at chocolate sa mga neophyte para umano hindi himatayin.
Habang napag-alamang nakalabas na ng bansa ang isa pang suspek na si Kevin Navoa noong July 1 patungong Estados Unidos, ayon sa mapapagkatiwalaang source sa Bureau of Immigration (BI).
Samantala, inaasahan namang makatutulong sa pagresolba sa kaso laban sa mga suspek ang kuha ng CCTV sa fastfood chain.
Maari naman umanomg maisampa ang kaso ngayong linggo.
Ayon kay Mendez,itratrato aniya nilang mga suspek ang mga ito.
”We will treat them as suspect, of course. If we will have the warrant you know what we are going to do, ‘di ba? We will just have the warrant and those people who are arboring them, there are also specific condition of the law that can be apply againts them,” ani Mendez.
The post Isa pang suspek sa pagkamatay ni Servando, sumuko kay De Lima appeared first on Remate.