KAILANGANG marinig ng taumbayan ang paliwanag ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address ang Disbursement Acceleration Program (DAP).
Naniniwala si dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel na magandang pagkakataon para kay Pangulong Aquino na ipaliwanag kung saan napunta ang DAP funds at ipakita na “in good faith” ang paglikha sa kontrobersyal na pondo.
Dapat din banggitin ng Pangulo ang pagsusulong ng kaso laban sa mga sangkot umano sa pork barrel fund scam upang patunayan na hindi “bias” sa iba pang nadawit sa kontrobersya.
Samantala, kumbinsido rin si Pimentel na tatagal pa ang pagdinig sa kasong plunder at graft nina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada kahit matapos na ang termino ni Pangulong Aquino.
The post DAP, dapat ipaliwanag ni PNoy sa SONA appeared first on Remate.