SUMAKABILANG-BUHAY na ang beteranong international fashion designer at couturier na si Aureo Alonzo sa edad na 85.
Pumanaw si Alonzo sa Makati Medical Center dulot ng sakit na pneumonia.
Isa si Alonzo sa mga Pinoy na nakatanggap ng pamosong Camel Award sa Europa noong 60′s sa larangan ng paggawa ng damit.
Ilan sa mga kilalang kliyente ni Alonzo ay sina dating unang Ginang Imelda Marcos, Gretchen Oppen Cojuangco at iba pang mga socialite na nahasa siya sa paggawa ng mga terno.
Bagama’t mula sa prominenteng angkan ng mga Roldan sa Navotas, hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Alonzo at tanging sipag at tiyaga ang puhunan nito sa kanyang paghahanapbuhay.
Nakalagak ang labi ni Alonzo sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park, Sucat, Parañaque.
The post Kilalang fashion designer at couturier, pumanaw na appeared first on Remate.