TINIYAK ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero 2015.
Batay sa opisyal na pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sinabi ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na unang bibisitahin ng Santo Papa ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Gayunman, inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ilalabas pa ng Vatican ang eksaktong petsa ng pagbisita ng Santo Papa sa huling linggo ng Hulyo o sa unang linggo ng Agosto gayundin ang itenerary nito na ilalabas naman sa Nobyembre.
Kamakailan, nagsagawa na ng inspeksyon ang tatlong opisyal ng Vatican na sina Dr. Alberto Gasbarri, Chief Organizer ng pastoral visit, Dr. Paolo Cronvini ng office of protocol at Dr. Stephanie Izo ng Vatican secretariat sa mga lugar na pupuntahan ng Santo Papa.
The post Pope Francis visit, tiniyak ng Simbahang Katolika appeared first on Remate.