ITINAKDA na ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kay Sen. Juan Ponce Enrile sa darating na Biyernes, Hulyo 11, 2014.
Bahagi ng babasahing sakdal ng Sandiganbayan 3rd division ang kasong plunder at graft na inihain sa kaniya ng Office of the Ombudsman at special prosecutors.
Maliban kay Enrile, pahaharapin din sa arraignment sina Janet Lim-Napoles, Atty. Gigi Reyes at 23 iba pa.
Magugunitang ang ibang senador na akusado sa pork barrel case ay una nang nabasahan ng sakdal, partikular na sina Sens. Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Maging ang mga nakapagbayad na ng piyansa ay personal pa ring haharap para mabasahan ng kasong inaakusa sa kanila.
Samantala, binigyan ng 50 porsyentong bawas ng 3rd division sa piyansa ang mga empleyado ng Department of Budget and Management (DBM) na sabit sa 15 bilang ng graft charges.
Mula P450,000 piyansa nina Usec. Mario Relampagos, Marilou Bare, Lalaine Paule at Rosario Nunez, ay ibinaba sa P225,000 bawat isa.
The post JPE, Gigi, Janet, 23 iba pa, sabay-sabay babasahan ng sakdal appeared first on Remate.