Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagbabayad sa BI gamit ang ATM, maaari na

$
0
0

MAARI nang magbayad ang mga dayuhan ng kanilang mga transaksyon o pagsasaayos ng kanilang papeles sa Bureau of Immigration (BI) sa pamamagitan ng ATM/debit card.

Ito’y matapos lagdaan ng BI at ng Land Bank of the Philippines (LBP) ang isang memorandum of agreement (MOA) na naglalayong magpatupad ng cashless transactions sa ahensya at gagamit na lamang ng automated teller machine (ATM) card at debit card.

Ang LBP ay maglalagay ng point-of-sale (POS) terminals sa tanggapan ng BI sa Manila at sa Cebu City na tatanggap ng ATM at debit cards sa ilalim ng Bancnet network at Megalink at Expressnet system.

Ayon kay BI Commissioner Seigfred Mison, ang ATM/debit card ay maari nang magamit ng mga dayuhan para sa pagsasaayos ng kanilang dokumento sa BI tulad ng annual reporting, visa extensions at iba pa.

Bukod diyan, ang nasabing programa ay makakatulong din para malutas ang korapsyon at red tape sa ahensya.

“We have decided that we can take advantage of the available technology and, consequently, the usual exchange of cash and the age old practice of bribery or grease money is eliminated, once and for all,” ayon pa kay Mison.

The post Pagbabayad sa BI gamit ang ATM, maaari na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>