BATID na ang Navotas City ay isang mababa at bahaing area subalit naibsan ang problemang ito mula nang magsagawa ng 23 bombastic pumping stations noong termino ng dating alkalde ng lungsod at ngayon ay congressman ng Navotas na si Hon.Toby Tiangco sa kanyang mahigit sampung taon sa panunungkulan, habang 16 karagdagang pumping stations ang naipatayo sa unang termino ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco noong 2010-2013.
Nito lamang June 27, inaprubahan ng alkalde ang karagdagan pang dalawang pumping stations bilang karagdagan sa 39 bombastic stations sa lungsod gamit ang Quick Response Fund nang magkaroon ng oryentasyon ang Risk Reduction Management Council.
“The city’s 39 bombastik pumping stations help keep our city flood-free during rainy and high tide seasons. However, in anticipation of possible mechanical failure, the members of the council have agreed to purchase portable water pumps, fuel tank, battery and other parts necessary for the operation of the said facilities and equipment,” ani pa ni Mayor Tiangco.
Isa sa mga bombastic pumping stations ay sa Barangay San Jose kung saan nakatakdang itayo ang unang ospital sa lungsod at tinitiyak ng lokal na pamahalaan na flood free ang layunin ng lungsod para sa mga residente.
The post 2 pumping stations pa ikakasa sa Navotas appeared first on Remate.