Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Impeachment complaint ni Atty. Lozano, ibinasura

$
0
0

IBINABASURA ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon ang impeachment complaint ni Atty. Oliver Lozano dahil sa kawalan diumano nito ng porma at substansya.

Nangangamba si Ridon na posibleng maibasura ulit kung ang reklamong gawa ni Lozano ang ihahain sa Kamara.

“Hindi ko ho pala talaga kayang maatim na i-endorso ho itong Lozano complaint dahil apparently wala talagang kalaman-laman ito pong kanyang complaint. In fact, wala ho halos mention sa DAP at at sa pork barrel. Parang isang talata…wala pa nga hong talata, enumeration nga lang ho sa kanyang complaint ‘yang DAP na ‘yan. So very general legal terms ‘yong mga diniscuss sa lozano complaint. Ako. I feel that it will again be dismissed for insufficiency in form and substance kapag ipinagpilitan natin ang Lozano complaint,” paliwanag pa ni Ridon.

Pangunahing ground na tinutumbok ng impeachment complaint na inihahanda ng grupo ni Ridon ay culpable violation of the constitution dahil mismong ang Supreme Court aniya ang nagsabing may paglabag ang pangulo sa usapin ng pagsunod sa ilang bahagi ng konstitusyon partikular sa kapangyarihan ng Kongreso at ang betrayal of public trust.

Pinag-aaralan din aniya ang kasong bribery laban sa pangulo dahil sa pagbubulgar ni Senador Jinggoy Estrada na galing sa DAP ang pinangsuhol diumano sa mga mambabatas upang ma-impeach si dating SC Chief Justice Renato Corona.

Para kay Secretary Butch Abad ay sinabi ni Ridon na “pinag-aaralan iyong pagsasampa ng malversation charges sa Ombudsman laban kay Secretary Abad dahil ang tingin nila ay kailangan papanagutin yong arkitekto ng DAP na ito. Malinaw ang sSC decision na hindi off the hook ang authors at implementors ng DAP na ito. Ang pangunahing arkitekto ay walang iba kundi si Secretary Abad.”

Ang kasong malversation aniya laban kay Abad ay nakatakdang isampa sa Ombudsman sa July 8, 2014.

The post Impeachment complaint ni Atty. Lozano, ibinasura appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>