HINIKAYAT ng isang ecological group ang mga magulang na mag-ingat sa pagpili ng mga kapote na bibilhin sa kanilang mga anak bilang proteksyon sa ulan ngayong rainy season matapos matuklasang ilang kapote o raincoat ang gawa sa polyvinyl chloride (PVC) plastic na may toxic additives tulad ng lead.
Ayon sa EcoWaste Coalition, nakabili sila ng mga PVC raincoats na ipinagbibili sa halagang P130 hanggang P200 sa Divisoria at Baclaran at nang suriin ang mga ito ay natuklasang positibo sa “excessive lead.”
Kaugnay nito, hinimok ng grupo ang mga magulang na humanap ng mga non-PVC rain gears o yaong mga gawa sa alternatibong rain-repulsing materials na may pinakakaunting toxic components.
Iginiit ng grupo na ang lead ay delikado sa tao, particular na sa mga bata, dahil maaari itong maging sanhi ng permanenteng pinsala sa utak.
The post Pagpili ng ‘kapote’, ipinag-iingat appeared first on Remate.