SINIKWAT ng Lyceum of the Philippines Pirates Ang 74-70 panalo laban sa last year’s runner up Letran Knights upang ilista ang unang panalo sa 90th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Bumira si Cameroonian Guy Mbbida ng siyam na puntos sa fourth quarter upang itaguyod ang Pirates at ilista ang 1-1 win-loss slate.
“Sa utak namin kaya naming tapusin itong second half na hindi namin nagawa sa last game namin laban sa Arellano,” sabi ni LPU coach Bonnie Tan.
Nakalikom si 6-foot-2 forward Mbbida ng 15 puntos, 12 rebounds at dalawang assists habang nanguna sa opensa si Dexter Zamora na nagtala ng 16 points.
“Masaya ako kasi ‘yung team namin nakabawi,” wika ni Zamora.
Sinibat ng Knights ang first canto, 21-13 subalit humataw ng puntos si Zamora sa second period matapos umiskor ng 11 para agawin ang bentahe sa first half, 35-39.
Napanatili ng Pirates ang paghawak sa manibela sa third period dahil nagtulong sa opensa sina Zamora at Wilson Baltazar na nagtala ng tig-limang puntos.
May 15 puntos din ang binakas sa buong laro ni Baltazar habang 10 markers ang inambag ni Shane Ko.
Samantala, makikilatis ang Pirates sa susunod nilang laban dahil makakaharap nila ang defending champion San Beda College Red Lions.
The post Letran yumuko sa LPU appeared first on Remate.