KASUNOD ng pagbagsak ng ulan nitong mga nakaraang araw, bumulusok ng bahagya ang water levels sa anim sa siyam na major dams sa Luzon, puwera ang Angat Dam sa Bulacan.
Sinabi kaninang umaga, Hulyo 6, ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Authority (PAGASA), na ang water level sa Angat Dam na nagsusuplay sa mahigit sa 90 porsyento ng pangangailangan ng tubig sa Metro Manila, ay bumagsak ng 0.18 metro sa 165.51 metro mula sa 165.69 metro nitong nakaraang Sabado.
Ang water level sa Angat Dam kaninang umaga ay 5.51 metro lamang na mataas sa 160-metro na critical level para pang-inom na tubig.
Samantala, anim iba pang dams sa Luzon ang tumaas ang ipon-tubig at kabilang dito ang Ipo dam, na may 100.35 meters mula sa 100.30 meters nitong Sabado, La Mesa na 77.61 mula sa 77.56 meters nitong Sabado,
Ambuklao na 740.53 mula sa 740.51 meters nitong Sabado, Binga na 570.51 mula sa 570.18 metro nitong Sabado, Magat na 162.54 mula sa 162.21 meters nitong Sabado, Caliraya na 286.23 mula sa 286.14 meters nitong Sabado.
Sa kabilang dako, ang water level sa Pantabangan Dam ay nananatiling hindi nababago sa 1 77.16 meters nitong Sabado.
The post Ipon-tubig ng Angat dam, hindi umangat appeared first on Remate.