DUMATING na ngayong alas-5:30 ng hapon ang sasakyan ni Enrile matapos itong sumuko sa awtoridad.
Nakasuot ng puti ang dating Senate President at kumakaway pa pagbaba ng sasakyan.
Bitbit pa ni JPE ang mga babasahing libro nito.
Matatandaang inihayag ng Malakanyang na nasa Sandiganbayan ang desisyon kung saan ikukulong ang matandang akusado sa multi-million pork scam.
Dumiretso ito sa multi-purpose hall ng Crame.
The post Enrile, nasa Camp Crame na appeared first on Remate.