Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

JV kay Jinggoy: ‘At our lowest moments, naging malapit rin kami’

$
0
0

NANINIWALA at umaasa si Sen. JV Ejercito na magkakaayos din sila ng nakatatandang kapatid na mambabatas na si Sen. Jinggoy Estrada sa kanilang matagal nang ‘di pagkakaunawaan.

Sa isang national TV interview kay Ejercito, sinabi nito na: “Kapatid ko pa rin siya. May punto sa buhay ng tao na talagang may rason. At our lowest moments, naging malapit rin kami. Palagay ko…sometimes, things happen for a reason. Palagay ko ito na ‘yun. Tingin ko may tiyansa naman kami na magkabati ulit.”

Kasalukuyang nakakulong ngayon si Estrada sa Camp Crame habang nililitis ang kasong plunder at graft kaugnay sa pork barrel scam kasama si Sen. Bong Revilla.

Isang araw matapos na ilabas ang warant of arrest laban kay Estrada, sinabi ng nakababatang kapatid na hindi niya akalaing maapektuhan siya sa naging sitwasyon ng kapatid habang patungo sa custodial center nito at nag-iiyakan ang mga pamangkin.

Bagamat gustong iparamdam ang pakikisimpatiya sa pamilya ng kapatid, minabuti ng batang solon na sarilinin muna ang nararamdaman.

“Sa tamang panahon, dadalawin ko rin siya,” saad pa ng solon.

Sa nasabing TV interview, ibinunyag ni Ejercito na isa sa kabiguan ng kanyang ama na si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada na makitang patuloy na nag-aaway ang kapwa mga anak na mambabatas.

Si Sen. Jinggoy ay anak ni Manila Mayor Estrada kay Dr. Loi Ejercito, dating senador.

Samantalang si Sen. JV ay anak ni Erap kay San Juan City Mayor Guia Gomez.

“It’s one of the frustrations of my father. Sabi nga niya, ang dami ko nang narating pero ang  talagang isa sa mga frustrations niya sa buhay iyong aming pag-aaway…kapag kinakausap niya kami individually,” ani Ejercito sa panayam nina Boy Abunda at Kris Aquino.

“Minsan sinabi niya sa amin na, alam mo 76 na ako ngayon, iyung lolo ninyo namatay nang 78’… hindi na ako nalalayo. Sana naman pagbigyan ninyo na ako’,” pakiusap aniya ng ama sa batang solon.

Bakas din sa solon ang pagsisisi nito sa paglagda sa committee report ng Senate Blue Ribbon Committee na nagrerekomenda ng pagsasampa ng kasong kriminal sa mga idinidiin sa isyu.

Dahil dito, aminado rin si Sen. JV na lalong tumindi ang kanilang alitan dahil nagalit ang kapatid sa kanyang ginawa.

“Ok na sana, eh…nagalit na naman. Well, palagay ko doon ako nagkulang,” pag-amin pa nito.

Humantong ito sa palitan ng titulo ng kanta.

“I’ll be there…just call my name,” mensahe ni Ejercito sa kapatid na agad namang sinagot ni Estrada na: “Walk away please do…”

“Kahit sa kanta hindi kami magkasundo,” ayon sa nakababatang solon.

Patuloy din ang updates ni Ejercito sa kanyang mga pamangkin at tiniyak na dadalawin ang kapatid sa Camp Crame ngayong kasama na ni Estrada at Revilla si Sen. Juan Ponce Enrile na inisyuhan na ng warrant of arrest sa kasong plunder.

The post JV kay Jinggoy: ‘At our lowest moments, naging malapit rin kami’ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>