BAHALA na ang Sandiganbayan na magdesisyon kung agad na isasama si Senador Juan Ponce Enrile kina Senador Jinggoy Estrada at Ramon Revilla na nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame sa oras na ilabas na ang warrant of arrest laban dito.
Si Senador Enrile ay nahaharap sa kasong plunder at graft matapos masangkot sa P10 billion pork barrel scam kung saan ay humirit ang kampo nito na isailalim sa hospital o house arrest ang una dahil sa katandaan at kalusugan nito. Si Enrile ay 90 taong gulang na.
“Kami talaga ‘yung tinanong mo. That is up to the Sandiganbayan. It is up for the court to consider if and when a warrant will issue, the matter of his detention place will be in the discretion of the Sandiganbayan,” ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.
Sinabi pa rin nito na hindi nagtatapos ang kampanya ng gobyernong Aquino sa korapsyon dahil lamang sa napakulong na ang tatlong senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. na pawang mga sangkot sa pork scam.
“Remember that detention under a warrant of arrest is not conclusive and that trial will have to ensue,” diing pahayag ni Usec. Valte.
Nauna rito nakita ng anti-graft court ng Sandiganbayan na may probable cause laban kay Senador Enrile kaugnay ng kasong graft at plunder na isinampa laban dito ng Ombudsman.
Si Sandiganbayan 3rd Division Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang ang hihimay ng kaso ni Enrile.
Ang susunod na hakbang ay ang pagpapalabas ng resolusyon mula sa korte at arrest warrant laban sa 90-year-old na dating Senate President.
The post Pagkukulungan ni JPE, bahala na ang Sandigan – Malakanyang appeared first on Remate.