SIBAK na sa puwesto ang hepe ng PNP Custodial Center sa Camp Crame na si Supt. Mario Malana dahil sa pag-overstay ng kaanak at kaibigan ni Sen. Jinggoy Estrada noong Linggo.
Nabatid na napatunayan sa pre-charge investigation ng PNP Support Service na nilabag ni Malana ang mga legal instruction sa Custodial Center.
Papalit kay Malana bilang officer-in-charge ng detention facility si Supt. Peter Limabauan.
Pansamantalang naka-hold ngayon si Malana sa administration office ng PNP sa Camp Crame.
The post Bisita ni Jinggoy pinag-overstay, hepe ng PNP ng Custodial Center pinatalsik appeared first on Remate.