PATAY ang 14-anyos na estudyante ng Rizal High School sa Pasig City matapos mahulog sa hagdan habang nagse-selfie.
Lumalabas sa imbestigasyon na nahilo kaya nawalan ng balanse ang biktima na itinago sa pangalang Rizza habang kinukunan ng larawan ang sarili kasama ang isang kaklase sa hagdanan sa ikatlong palapag ng IR building ng paaralan.
Nabatid na alas-10:21 Lunes ng umaga nang mangyari ang pagkahulog ng dalagita sa hagdan.
Sinasabing nangyari ang insidente sa oras ng klase pero dahil walang guro kaya nakalabas ng silid-aralan ang mga estudyante.
Wala pang pahayag ang pamunuan ng Rizal High School, maging ang DepEd ukol sa insidente.
The post 14-anyos student todas sa selfie appeared first on Remate.