Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Supplier ng babae ng mga bata ni PNoy hinalang may ‘HIV’

$
0
0

USAP-USAPAN ngayon sa palasyo ng Malakanyang ang pagiging mahilig sa babae ng isang opisyal na kilalang number one customer sa mga high end night club sa Quezon City, Pasay at Parañaque.

Dahil dito, pinagdududahan na may taglay na itong sakit na nakukuha sa pakikipagtalik dahil sa hilig sa ‘quickie sex.’

Ipinagmamalaki ng palace official na siya ang supplier ng babae sa ilang cabinet member dahilan para manatili ito sa puwesto kahit na itinuring itong isa sa ‘non performing asset’ sa gabinete ni PNoy.

Matatandaang mismong si administration Senator Serge Osmeña ang nagsabi na masasayang nang husto ang natitirang dalawang taong panunungkulan ng Pangulong Noy dahil na rin sa pagkuha ng mga ‘NPA’ sa kanyang gabinete.

Ang masaklap, si palace official na NPA na ‘nga, malaking kasiraan pa sa administrasyon dahil sa gabi-gabi itong nakikita sa night clubs na front ng prostitusyon.

Kahit saan pumuwesto si official, basta nasa loob na ng KTV bar ay gagawa ng paraan makatalik lamang ang makursunadahang babae na karamihan ay menor de edad.

Bukod sa takot dahil alam ng mga may-ari ng klab na cabinet official ang ‘chickboy’ na opisyal, nangangamba naman ang ilang kababaihan sa trip ng opisyal dahil ayaw na ayaw nitong gumamit ng condom.

Ang tanong ngayon ng mga nakakakilala sa opisyal kung regular din ba itong nagpapa-check up dahil sa gabi-gabing pakikipag-sex nito sa mga bayarang babae, hindi malayong magkaroon na rin ito ng nakahahawang sakit.

Sabi nga, kung dapat magkaroon ng random drug test sa ilang government officials, dapat ay isalang na rin sa HIV test ang manyakis na opisyal ng palasyo.

Ang kontrobersiyal na opisyal ng palasyo ay minsan nang napalathala sa dyaryo dahil karamihan sa mga kinuha nitong staff sa opisina sa Malakanyang ay mga GRO o guest relations officer at kung tawagin ito sa PTV 4 ay Sec. Sygago sa rami nang pinahirapan nitong empleyado ng government channel.

Ang departamentong kinapapalooban nito ay may kinalaman sa media at komunikasyon kung saan ay hawak din nito ang ilang government media na isinusuka rin siya ng kanyang mga tauhan dahil sa pagiging malupit nito.

The post Supplier ng babae ng mga bata ni PNoy hinalang may ‘HIV’ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>