Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

MPD naghahanda na sa Pista ng Black Nazarene

$
0
0

INIHAHANDA na ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang ilalatag na seguridad sa translasyon ng Itim na Nazareno ng Basilica Menor ng Parish ng St. John the Baptist, o mas kilala bilang Simbahan ng Quiapo.

Ayon kay MPD director, chief Supt, Alex Gutierrez, aasahan na dadagsain ng mga deboto ng Itim na Nazareno ang Simbahan ng Quaipo kasama na rito ang mga lalahok sa tradisyunal na prusisyon.

Nakikipag-ugnayan na ang MPD sa pamunuan ng Simbahan ng Quiap upang matiyak na maayos at mapayapa ang seguridad  sa buong paligid ng Quiapo.

Nakikipag-usap na rin aniya sila sa mga mangangasiwa ng translasyon at mga kaugnay na aktibidad nito.

Nauna nang sinasabi ni Monsigñor Clemente Ignacio at ng mga tagapangasiwa ng kapistahan ng itim na Nazareno na noon pang Hulyo 2012 ay nagsagawa na sila ng contigency planning formulation worshop.

Nabatid na kasama ng mga opisyal ng Simbahan sa naturang contingency planning ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at ang lokal na pamahalaan ng Maynila dahil sa inaasahang pagdagsa ng milyon-milyong deboto..

Nakatakda namang ilatag bukas (Enero 3) ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo at mga tagapangisawa ng kapistahan ang mga aktibidad para sa kabatiran ng mga deboto at publiko sa kapistahan ng araw ng translacion ng Itim na Nazareno..

Kahapon ng madaling araw, inilabas ang Imahe ng Señor Nazareno mula sa loob ng Simbahan ng Quiapo at inilibot sa paligid ng Quiapo.

Sa dami ng deboto, alas-onse na ng tanghali naibalik sa simbahan ang Itim na imahe.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>