PATULOY na gumagalaw ang bagyong Crising sa direksyong pa-west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour, papalapit sa Southern Palawan na nasa ilalaim pa rin ng public storm signal No. 1.
Dahil dito, inalerto ng PAGASA, ang mga residente sa Southern Palawan sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Pinapayuhan pa rin ng PAGASA ang mga mga mangingisda na huwag pumalaot sa seaboards ng Northern at Southern Luzon, at maging sa eastern seaboards ng Central Luzon at Visayas.
Batay sa 5:00 am weather bulletin ng PAGASA, namataan ang Tropical Depression Crising sa layong 450 kilometers (km) northwest ng Zamboanga City.
Umaabot pa rin sa 45 kph ang taglay na hangin ng bagyo.
Samantala, katamtaman hanggang sa malakas na ulan pa rin ang mararanasan sa MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, CARAGA at Northern Mindanao.