DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Libo-libong isdang galunggong na nakalagay sa mga plastic container na huli sa dynamite fishing ang nakumpiska ng mga police at Dagupan City Agriculture Office (DCAO) sa Dagupan City kaninang umaga, Hunyo 29.
Sa ulat ng DCAO, tinatayang 136 plastic container na galunggong ang muntik nang ibenta sa merkado.
Base sa imbestigasyon, sina Romeo Ariara, 51, ng Podok, San Vicente, Ilocos Sur at Judy Cortez, 41, ng Masinggal, Ilocos Sur, ang nagbagsak ng mga plastic container.
Ayon kay John Patrict Agabao, fish examiner ng DCAO, nang kanilang iberipika ang mga ito (plastic container), napag-alaman na mga sirang galunggong na huli sa putok at illegal fine fish net ang mga ito.
Sina Ariara at Cortez ay dinala sa Dagupan City police office para sa imbestigasyon.
The post Libo-libong galunggong na huli sa putok, kumpiskado appeared first on Remate.