PATAY ang isang Indian national makaraang barilin ng mga holdaper na tumangay din ng kanyang pera matapos tambangan habang pauwi ng bahay sa Dasmariñas City, Cavite kagabi.
Dead-on-arrival sa ospital bunsod ng tama ng bala ng baril sa katawan si Bhophinder Talwar, 33, negosyante at nakatira sa Blk. 36, Lot 8, South Charbel Subdivision, Bgy. Sampaloc 4.
Ayon sa imbestigasyon, nasa pagitan ng alas-10:30 at alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente.
Kararating lang ng biktima na sakay ng kanyang kotse nang lapitan ng apat na armadong suspek.
Sapilitang kinuha ng mga suspek ang hindi pa mabatid na halaga ng pera ng biktima at bago tuluyang tumakas ay binaril pa ng isa sa mga suspek si Talwar gamit ang cal. 45 na baril na siya nitong ikinamatay.
The post Bombay hinoldap na, tinodas pa appeared first on Remate.