MAGKAKASA ng isang buwang protesta ang iba’t ibang grupo laban sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa Hulyo 28.
Kinumpirma ni Bayan Metro Manila Chairperson Raymond Palatino na inumpisahan nila ang nasabing protesta na binansagang ‘Hatol ng Bayan’ sa pamamagitan ng paglilitis sa anila’y 12 criminal case ni PNoy laban sa mga “boss” nito.
Kinabibilangan ito ng Pagtaas sa singil ng kuryente, Korapsyon (PDAF scam at DAP), Pagpapabaya sa mga biktima ng Bagyong Yolanda, Kawalan ng trabaho at maliit na sweldo sa mga manggagawa, kawalan ng matinong programang pangreporma sa lupa, Mataas na singil sa basic commodities, Pagsasapribado ng mga pampublikong ospital, ‘Commercialization’ sa edukasyon at pagpapabaya sa mga guro, Malubhang pagsira sa kapaligiran, Malawakang pagkakalinsad sa mahihirap dala ng PPP projects, Paglabag sa karapatang pantao at mabagal na pag-usad ng peace talks, at Pagbebenta sa sovereignty ng bansa.
Magsasagawa ng mop-up ng mga anti-SONA protest sa Hulyo 23 sa Maynila habang hahatulan naman nila ang administrasyong Aquino sa Hulyo 28 sa Batasang Pambansa, kasabay ng SONA ni PNoy.
The post Isang buwan na protesta ikakasa vs SONA ni PNoy appeared first on Remate.