TODAS ang isang pahinante matapos magulungan ng sinasakyan na truck nang tumalon ang una dahil sa pagkataranta makaraang sabihin ng driver na nawalan sila ng preno sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling-araw, Hunyo 27.
Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Jowersky Manrique, 18, ng Tibagan, Bustos, Bulacan.
Sumuko naman at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si John Mark Espertero, 25, ng Guiguinto, Bulacan.
Sa ulat, ala-1:35 ng madaling-araw, minamaneho ng suspek ang Fuso Truck habang sakay ang biktima at pagsapit sa MacArthur Highway, Karuhatan ng lungsod ay naramdaman ng driver na nawalan ng preno ang truck.
Sinabi ng driver sa pahinante ang naramdaman na ikinataranta ng biktima kaya tumalon palabas subalit pagbagsak ay nagulungan ng hulihang gulong ang biktima dahilan ng agad nitong kamatayan.
The post Kelot tumalon sa trak na nawalan ng preno, dedbol appeared first on Remate.