SA ikalawang pagkakataon, nakatikim muli si Pangulong Noynoy Aquino ng paninigaw habang nagtatalumpati naman sa inagurasyon ng isang proyekto sa Iloilo River Esplanade kaninang umaga, Hunyo 27.
Nabatid na bagama’t hinarang ng mga pulis ang hanay ng mga nagpoprotesta pero isa sa kanila ang nakalusot at sinagawan ang Pangulong Aquino.
Kaagaad namang nilapitan ng mga pulis ang raliyistang nanggulo at binitbit palayo sa lugar.
Makalipas naman ang ilang segundo, sinabi ni PNoy na: “Maraming salamat po sa kanila,” na sinundan ng palakpakan ng mga nanonood saka itinuloy ng Pangulo ang talumpati.
Nasa Iloilo ang Pangulo para sa pagpapasinaya ng widening project ng Sen. Benigno S. Aquino, Jr. Avenue Road.
Ininspeksyon din nito ang Iloilo Convention Center.
Kasama niya sa programa sina Senate President Franklin Drilon at Interior and Local Government Sec. Mar Roxas.
Matatandaang, sinagawan din si Aquino ng isang estudyante habang nagtatalumpati sa Araw ng Kalayaan sa Naga City kamakailan lamang.
The post PNoy, sinigawan sa Iloilo inauguration project appeared first on Remate.