BALAK ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing rescue boats ang libo-libong plakang nakumpiska mula pa noong 1994 hanggang 2004.
Ayon kay MMDA Chairperson Francis Tolentino, kapag pinayagan sila ng Commission on Audit (COA) ay agad nilang ipatutunaw ang mga plaka na yari sa aluminum upang gawing bangka.
Ani Tolentino, pinakamarami sa mga kumpiskadong plaka ay pang-motorsiklo na umabot sa 7,494.
May 5,800 naman ang bilang ng mga nakumpiskang plaka ng mga pribadong sasakyan; 4,584 ang sa jeep; 3,700 sa bus; 700 sa trak; at 350 sa AUV.
Hindi na tinubos ang nasabing mga plaka kaya posibleng nakakuha sila ng bago.
The post Kumpiskadong mga plaka, gagawing rescue boat appeared first on Remate.