DALAWA ang nasugatan kabilang ang isang pulis Quezon City makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City kagabi, Hunyo 26, Huwebes.
Kinilala ang nasugatan na sina PO1 Khrissan Nad, 29, binata, miyembro ng PNP at nakatalaga sa Quezon City Police District station 3 Talipapa at kasama nito na si John Alfred Alipio, 21, binata kapwa ng 172 Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, QC.
Si Nad ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang ulo na tumagos sa kanan noo, habang nagtamo naman si Alipio ng tama ng bala sa likuran.
Ayon kay SPO2 Edwin dela Cruz ng Quezon City Police District station 3 – Talipapa, naganap ang insidente sa 172 Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, QC dakong 6:30 kagabi.
Nabatid sa ulat na sakay ang mga biktima ng isang motorsiklo at pauwi na sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang isang suspek at pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril tumakas ang suspek saka sumakay ng isang naghihintay na motorsiklo.
Isinugod ang mga biktima sa naturang ospital at kasalukuyan inoobserbahan dahil sa tinamong tama ng bala sa kanilang katawan.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga otoridad para madakip ang mga suspek.
The post Pulis QC sugatan sa riding-in-tandem, 1 damay appeared first on Remate.