Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Dating pulis, 1 pa dakip sa armas at droga

$
0
0

NAKUWELYUHAN ng anti-narcotics agents ang dating pulis at ang kasama nito sa isang drug raid sa Bukidnon, ayon sa ulat kaninang umaga, Hunyo 27, ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ni PDEA director general Arturo Cacdac, Jr. ang suspek na si dating Police Officer 1 Austerio Pamisa, 40, miyembro ng Bukidnon Provincial Police Office at residente ng Purok 2, Poblacion, Valencia City, Bukidnon, at si Raul Preglo, 40, ng Barangay Lumbo sa parehong lungsod.

Sa talaan, nabatid na si Pamisa ay nasibak sa serbisyo sanhi ng absence without leave (AWOL) noong 1999.

Sinabi ni Cacdac na dinampot ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 10 sina Pamisa at Preglo sa isinagawang pagsalakay sa bahay nito.

Nakarekober kay Pamisa ang isang plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu, 13 piraso ng plastic sachets na may shabu, limang aluminum foil strips at isang improvised aluminum tooter.

Nakumspika naman kay Preglo ang isang kalibre .45 pistol na may isang magazine at pitong bala.

The post Dating pulis, 1 pa dakip sa armas at droga appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>