INIHAHANDA na rin ng pambansang pulisya ang detention cell number 4 o ang female ward sa loob ng PNP Custodial center sakaling maaresto na ang dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile na si Atty. GiGi Reyes at Pauleen Labayen na staff naman ni Sen. Jinggoy Estrada.
Napag-alaman na sakaling sumuko o maaresto ang dalawang babae ay sa bagong kulungan ng Custodial Center sila ikukulong.
Ayon sa CIDG, nasa 13 sa mga co-accused ni Jinggoy ang hindi pa accounted kabilang sina Labayen at John Raymund de Asis.
Habang 16 sa kanilang mga co-accused ang nakapagpiyansa na sa Sandiganbayan.
Tiniyak naman ni CIDG chief Police Director Benjamin Magalong na nagpapatuloy ang manhunt operations ng CIDG para sa 13 pang at large na mga akusado na kasamang sinampahan ng kasong plunder nina Estrada at Revilla dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel fund scam.
Sinabi ni Magalong na puspusan ang ginagawa ngayon ng tracker team ng CIDG para maaresto ang mga akusado sa kasong pandarambong.
The post Selda nina Atty. Gigi Reyes at Labayen, inihahanda na appeared first on Remate.