Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Doktor nabiktima ng ATM hacking

$
0
0

TUMATAGINTING na P150,000 “savings” ang natangay sa isang doktor matapos itong mai-withraw sa kanyang Automated Teller Machine (ATM) card ng hindi nakikilalang “hacker” sa tatlong magkakahiwalay na petsa sa Maynila.

Sa reklamo ng biktimang si Rafael Chan, 41, doktor, ng 531 Asuncion St., Binondo, Maynila sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section (MPD-GAIS), nawalang parang bula ang kanyang pera sa ATM.

Ayon kay Chan, ibineripika nito ang laman ng kanyang ATM sa Land Bank malapit sa SM Manila at dito niya nadiskubre na na-withdraw na ang kanyang savings.

Huli umanong naglabas ng pera sa ATM ang doktor sa Eastwest sa Mall of Asia kung saan naiwan pa sa kanyang ATM ang halagang P234,171.18.

Gayunman, nalaman ni Chan na nagkaroon ng hindi awtorisadong withrawals sa kanyang ATM noong Hunyo 3, 4 at 5 na tig-P50,000 na ginawa sa iba’t ibang ATMs.

The post Doktor nabiktima ng ATM hacking appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>