SINANG-AYUNAN ni House Speaker Feliciano Belmonte ang posisyon ni Pangulong Aquino na bigyan ng special consideration si Senador Juan Ponce-Enrile kapag ikinulong na ito.
Nais ni Belmonte na mabantayan nang maayos hindi lamang ang seguridad ni Enrile kundi higit sa lahat ay ang kalusugan nito.
Sa tatlong senador na kinasuhan ng plunder ay tanging si Enrile na lamang ang hindi pa naiisyuhan ng warrant of arrest.
Bukod kasi sa may edad na si Enrile ay marami na itong iniindang sakit na inilitanya nito sa kanilang petition for bail sa Sandiganbayan Third division.
May posibilidad na isailalim sa hospital o house arrest si Enrile dahil sa edad nitong 90.
Ngunit kung si Belmonte ang tatanungin, hospital arrest ang mas doable sa dalawang opsyon dahil ito na ang may precedent.
Si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nahaharap sa PCSO plunder case ay nasa ilalim ng hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center hanggang ngayon.
The post House arrest kay JPE suportado ng Kamara appeared first on Remate.