Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Revilla binasahan na ng sakdal

$
0
0

HINDI nagpasok ng not guilty o guilty plea si Senador Ramon “Bong” Revilla para sa kasong plunder at sa 16 counts ng graft na kanyang kinakaharap sa Sandiganbayan.

Sa pagbasa ng sakdal kung saan humarap ang senador at co-accused na sina Janet Lim-Napoles at Atty. Richard Cambe ay ang Sandiganbayan First Division na mismo ang nagpasok ng not guilty plea para kay Revilla.

Samantalang not guilty plea naman ang ipinasok nina Napoles at Cambe.

Ibinasura rin ng Sandiganbayan ang motion to amend information na inihain ng Ombudsman na tinalakay matapos ang pagbasa ng sakdal sa senador.

Paliwanag ng special prosecutors na walang binago sa unang inihain na kaso kundi nais lamang dagdagan ng impormasyon kung saan bibigyang-diin na si Revilla ang nagkamal ng salapi sa P10 bilyong pork barrel scam.

Matapos nito ay iginiit ng abogado ni Revilla na si Atty. Joel Bodego na lumalabas na ibang kaso na naman ang ihahain ng Ombudsman kung kaya dapat aniyang mapawalang bisa ang warrant of arrest na inisyu sa kanyang kliyente at palayain na rin ito.

Ngunit hindi pinakinggan ng korte ang mosyon ni Bodegon at sa halip ay nagdesisyong manatili sa custodial center ng Philippine National Police ang senador.

Sa July 10 itinakda ng Sandiganbayan ang unang paglilitis at ang unang didinggin ay ang mosyon ng senador na siya ay payagang makapagpiyansa.

Sa kanyang motion for bail, nanindigan si Revilla na hindi siya nagnakaw sa kaban ng bayan, na mapapatunayan rin umano pagkat walang anomang rekord na susuporta sa mga alegasyon ng pagkamal umano nito ng nakaw na yaman.

Mismong mga whistleblowers na rin aniya ang nagkumpirma na pineke nila ang pirma ng senador sa mga pinekeng dokumento.

Maliban anila sa mga hearsay at palsipikadong dokumento ay wala naman ng ebidensya laban kay Revilla.

The post Revilla binasahan na ng sakdal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>