LALO pang pinaiigting ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang kampanya laban sa mga gumagawa at nagbebenta ng pekeng mga gamot, medical products, mga dokumento at iba pa.
Ito ang ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph Estrada kasunod ng pagsalakay ng mga tauhan ng MPD-District Operation Special Unit sa Claro M. Recto na nagresulta kung saan naaresto ang 14 kataong sangkot sa pamemeke ng pera at dokumento kabilang ang mga pekeng permit to carry ng mga baril.
Sinabi ni Estrada na isang iligal na gawain ang paggawa at pagbenta ng mga peke produkto o dokumento dahil nalulugi ang mga negosyong sumusunod sa batas kaya naman dapat aniyang linisin nang ‘di pamarisan ang iba.
Noong Linggo lamang ay sinalakay na rin ng MPD ang Recto-Avenida at nadakip ang 20 kataong sangkot sa paggawa ng pekeng dokumento.
The post Kampanya vs pekeng produkto, dokumento pinaiigting pa appeared first on Remate.