NALITSON nang buhay ang isang magkapatid nang sumiklab ang sunog sa kanilang bahay sa Bato, Sibonga town sa Cebu kahapon, Martes, Hunyo 23.
Ang sunog na bangkay ng magkapatid na sina Ezekiel Gab Sarnillo, 4, at Philip Hanz, 1-taong-gulang ay natagpuan sa ilalim ng mga nasunog na kahoy at bubungan na bumagsak.
Sinabi ni P02 Ederlino Bacusmo, Sibonga PNP investigator, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-3:30 hanggang alas-4 ng hapon sa bahay ng magkapatid sa mabundok na lugar ng Barangay Bato sa Sibonga town.
Bago ito, iniwang natutulog ang mga biktima na bukas ang electric fan ng kanilang nanay na si Gemma para mag-igib sa batis at mamili na rin ng kanilang pangangailangan sa tindahan.
Nasa trabaho sa Cebu City ang ama ng mga biktima na isang security habang ang dalawa pang kapatid ng mga ito na edad 8 at 10-anyos ay nasa eskwelahan.
Napahagulgol naman si Gemma nang makitang nasunog ang kanilang bahay na agad hinanap ang kanyang dalawang na hindi naman nakita.
Ayon sa mga kapitbahay, malamang ay na-trap ang magkapatid sa loob ng nasusunog na bahay.
Sa pagsisiyasat ng awtoridad, nag-overheat na electric ceiling fan ang sanhi ng sunog.
Dinala naman si Gemma ng galit na mister at mga kamaganak nito sa presinto dahil sa pagpapabayang ginawa nito sa kanyang mga anak.
The post Mag-utol tustado sa sunog sa Cebu appeared first on Remate.