BINAWIAN ng buhay sa pagamutan sa Lipa City ang isang konsehal matapos tadtadrin ng bala ng mga hindi pa nakikilalang suspek kaninang hapon.
Ang biktima na kinilala ng Batangas PNP ay si Briccio Almaria, 43-yrs old at konsehal ng Barangay Mabini sa Lipa City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagpapaayos ng sasakyan ang biktima sa Brgy. San Sebastian nang paulanan ng bala ng mga nakamotorsiklong suspek.
Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 sa ibat ibang parte ng katawan, sanhi ng kanyang kamatayan.
Isa namang bystander na kinilalang si Christopher Macuha ang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril, habang isang hot pursuit operation na ang ikinasa laban sa mga suspek.