BINAKLAS na ni senatorial candidate Jamby Madrigal ang kanyang online raffle sa internet ayon na rin sa utos ng Comelec.
Kasunod nito ang paghingi niya ng paumanhin sa Comelec matapos din siyang bantaan na idiskwalipika dahil sa paglabag sa elections rules sa kanyang promo sa social networking site na Facebook na nagbibigay ng iPad sa may pinakamagandang sagot sa mga katanungan.
Ayon sa senadora, ang kanyang Facebook account ay naka-link sa kanyang Twitter page na pinapatakbo naman ng kanyang mga batang volunteer.
Dagdag pa ng senador na dahil sa pagkukumahog ng kanyang volunteers na isulong ang anti-corruption drive ay hindi na nila naisip na mali na pala ang kanilang pamamaraan.