“SORRY no.”
‘Yan ang mabilis na tugon ni Ginebra coach Jeffrey Cariaso sa nadiskubreng abilidad ni big man Greg Slaughter sa three-point shot.
Sa naganap na Master Game Face All-Star Basketball Challenge exhibition game noong nakaraang Sabado, June 21, nagsagupa ang binuong koponan nina PBA stars Chris Tiu at Marc Pingris.
Nasa koponan ni 2013 Governor’s Cup MVP Marc Pingris si Gin Kings center Greg “Gregzilla” Slaughter kasama sina Gary David, Jeric Teng at iba pang magagaling na manlalaro.
Bukod pa rito, nagpasikalaban din ang mga gunners ng PBA at collegiate player kasama si NBA star Kevin Love sa three-point shootout.
Sa exhibition game, nanalo ang koponan ni Tiu (135-110), gayunman, ay tinanghal na MVP si Greg Slaughter na kumana ng 27 puntos kabilang ang kamangha-manghang 3-of-5 mula sa arko.
Aniya, sa exhibition game lamang niya ito (3-point shooting) gagawin at hindi niya ito dadalhin sa PBA.
“There are more important plays for me to do as a big man,” saad ng Ginebra rookie.
Samantala, mariin din itong tinutulan ni coach Jeffrey Cariaso dahil meron aniyang mas kailangang gampanan at iyon ang pagiging solidong sentro ng koponan.
Dahil sa ipinakitang husay ni Slaughter, pinabilib nito ang kapwa niya big man na masuhay rin sa tres na si Love. “I really thought the big fellow won the MVP. Greg Slaughter, my boy there, big fellow got the MVP. I want to see that in an All-Star game.”
Kahit may kahusayan, hindi pupursigihin ni “Gregzilla” ang pagtira sa tres dahil ang pagiging malakas na sentro ang target nito upang magkampeon sa susunod na PBA season.
The post Slaughter malupit sa tres appeared first on Remate.