TINATAYANG P8.8 milyon ang ginastos ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa “overnight” na biyahe nito sa Japan.
Ang nasabing halaga ay inilaan para sa transportasyon, accommodation, pagkain, equipment at iba pang requirements ni Pangulong Aquino at ng kanyang 41-member delegation na bitbit niya sa kanyang “napakamahal” na biyahe.
Sa laki ng gastos ng Chief Executive ay susuklian naman ito ng mas matatag na alliance sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Umalis ang Pangulong Aquino kaninang umaga patungong Tokyo sa pamamagitan ng chartered flight kung saan kasama sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Finance Secretary Cesar Purisima, Budget Secretary Florencio Abad, Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Seles, Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Presidential Management Staff Chief Julia Andrea Abad at Presidential Protocol Chief Celia Anna Feria.
Sa pagkikita nina Pangulong Aquino at Japanese Prime Shinzo Abe ay pag-uusapan ng mga ito ang tinatawag na “areas of cooperation, regional security concerns, developments” sa Bangsamoro peace deal, at i-promote ang trade at investments ng bansa.
Pagkatapos nito ay didiretso ang Pangulong Aquino sa Hiroshima para mag-deliver ng kanyang keynote address sa Consolidation for Peace for Mindanao Conference, isang event na inorganisa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at Research and Education for Peace of the Universiti Sains Malaysia.
“The meeting between President Aquino and Prime Minister Abe is envisioned to further strengthen the strategic partnership between the Philippines and Japan in many areas, including maritime cooperation, humanitarian assistance and disaster response, as well as trade and investments,” ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. sabay sabing “Japan is an important friend and ally of our country.”
Bago pa bumalik ng bansa ay bibisitahin ng pangulo ang Hiroshima Peace Memorial Park.
The post P8.8M, gastos ni PNoy sa biyahe sa Japan appeared first on Remate.