MINOMONITOR ngayon ng Department of Health (DoH) ang ilang lugar sa lalawigan ng Maguindanao na apektado sa ilang linggong pagbaha bunsod ng pag-ulan.
Sa ulat, umaabot na sa 2-3 talampakan ang lalim ng tubig-baha sa ilang lugar sa nasabing probinsya.
Napag-alaman na 14,490 pamilya o 72,450 katao na mula sa 91 barangay sa 13 bayan ang apektado ng pagbaha.
Kabilang sa mga lugar na apektado ng baha ay ang mga sumusunod:
Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Datu Montawal, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Datu Salibo, Mother Kabuntalan, Mamasapano, Pagalungan, Northern Kabuntalan, Rajah Buayan, Sharif Saydona, Sultan Sa Barongis.
Apektado rin ng baha ang ilang eskwelahan tulad ng Datu Piang 1 at 2 District, Sultan Kudarat 1 District, Mother Kabuntalan North District, Montawal District, Pagalungan District.
Umaabot naman sa halos P805,000 ang nasira sa agrikultura sa Datu Piang habang isang ektaryang maisan at 100 ektaryang palayan sa Barangay Ganta, Kabuntalan at 47 hektarya ng palayan sa Datu Odin Sinsuat ang nasira dahil sa nasabing kalamidad sa nasabing lalawigan.
The post Ekta-ektaryang lupain sa Maguindanao, binaha appeared first on Remate.