MAAARI na muling magpadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Thailand ang Pilipinas.
Ito’y matapos alisin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang ban na ipinatupad nito sa deployment ng OFWs sa nasabing bansa, kasunod na rin nang pagbaba ng Crisis Alert Level doon.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, chairman ng POEA governing board, naglabas ng resolusyon ang POEA na nagpapahintulot sa pagpapatuloy nang pagproseso at deployment ng OFWs sa Thailand.
Sakop umano nito ang mga nagbabakasyon lamang at mga newly hired OFWs.
“With the Department of Foreign Affairs’ lowering the crisis alert level in Thailand from Alert Level 2 (Restriction Phase) to Alert Level 1 (Precautionary Phase) due to the observation of the Philippine Embassy in Bangkok that the situation in the said country has ‘returned mostly to normal,’ the POEA Governing Board has issued a resolution lifting the ban,” ani Baldoz.
Ang deployment ban ay naging epektibo noong Mayo 21 matapos na itaas ng DFA ang Crisis Alert Level 2 sa Thailand, kasunod nang deklarasyon ng martial law doon.
Ibinaba naman ang alert level nitong nakaraang linggo.
The post Deployment ban sa Thailand tinanggal na appeared first on Remate.